Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD)

Writer: Pier Pastor

Researcher: Otek Galauran

Editorial: Mary Michelle Buenviaje & Marielle Catbagan

Ang Chronic Pulmunary Obstructive Disease o COPD at asthma o hika ang dalawa sa mga respiratory diseases na nakaka-apekto sa maraming Pilipino. Ang karaniwang sanhi ng COPD ay paninigarilyo at matagalang exposure sa polusyon, mga lung irritant at kemikal na nakasasama sa baga.

Ayon sa World Health Organization, may 600 million na ang dumaranas ng copd. Ang karaniwang sanhi naman ng hika ay allergy. Naitalang labindalawang porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay nakararanas nito. Kadalasan, ang hika ay kusang nawawala habang tumatanda. Pero ang COPD ay isang uri ng progressive lung diseaase. Ibig sabihin, hindi na ito gumagaling at lumalala pa sa pagdaan ang panahon.

Kabilang sa mga kondisyon ng COPD ay emphysema, chronic bronchitis at chronic asthmatic bronchitis.

Kapag may COPD, mahina o sira na ang mga air sacs sa baga na sanhi ng hindi maayos na gas exchange ng oxygen at carbon dioxide kaya’t nahihirapan siyang huminga. Ang dalawang karamdaman na COPD at hika ay nagdudulot ng palagian, matagalan at matigas na pag ubo na kasabay ng paghihirap sa paghinga. Bukod sa mga gamot na para sa mismong COPD at asthma, kailangan din ng gamot na tutulong maibsan ang sintomas ng mga ito tulad ng pag-ubo at baradong hingahahan.

Mga Palatandaan ng COPD

– Pag-ubo

– Umaagahas na paghinga

– Pakiramdam na nawawalan ng hininga

– Pamamanas sa paa at pamamaga ng atay

– Pagpayat

– Hirap sa pagtulog

– Pito sa baga o halak na naririnig sa baga

– Paglaki ng dibdib

Mga Pagsusuri sa COPD

– Chest X-ray

– CT Scan

– Pagsusuri ng dugo

– Pagsusuri sa kakayahan ng baga

Mga Paraan para hindi lumala ang COPD

– Tumigil sa paninigarilyo

– Uminom ng gamot para mabawasan ang hingal, ubo, plema, at mapagaling ang mga impeksiyon

– Magpabakuna para mabawasan ang pagdapo ng impeksiyon sa ating katawan

Advertisements
Nai-post sa Educational Show, Medical Talk Show, Public Service | Mag-iwan ng puna

Simpleng Pag-aalaga sa Mata

Writer: Jerome dela Cruz / Editorial Consultant: Marielle Gaceta-Catbagan

Ang ating mga mata ang isa sa pinakaimportanteng bahagi ng ating mukha. Araw-araw natin itong ginagamit sa mga gawaing bahay at maging sa trabaho. Kaya importanteng  huwag abusuhin ang paggamit dito.

May ilang simpleng paraan na remedyo upang ma-relax ang ating mga mata:

Ang pagkiskis ng ating mga palad at pagdampi nito sa ibabaw ng ating mga mata ay makatutulong na mapakalma ang mga tissues at makabawas sa pananakit ng mata. Ang sunud-sunod na pagkurap naman ng sampung beses ay isang uri ng ehersisyo upang hindi masyado mapagod ang mga mata. Maaari ring magpalamig ng kutsara sa refrigerator at saka ilagay sa ibabaw ng mga mata.

Ang malamig na pakiramdam ay mainam upang pawiin ang pagod ng ating mga mata.

Nai-post sa Educational Show, Medical Talk Show, Public Service | Mag-iwan ng puna

Ang Inyong Gamot

Writer: Yam dela Cruz

Producer: Marielle Gaceta-Catbagan

Sa pagkonsulta kay dok, maraming pasyente ang umuuwi mula sa aalis sa klinika nang hindi naiintindihan ang inireseta ni dok sa kanilang gamot. Kadalasan kasing nahihiyang magtanong.

Mahalagang makipagtulungan ang pasyente sa kanilang espesyalista para maging matagumpay ang gamutan. Bago umalis ng klinika, narito ang inyong dapat tandaan:

1. Alamin ang mga detalyeng kailangan tungkol sa inyong gamot.

2. Alaming mabuti ang pangalan ng gamot.

3. Itanong kung ito’y generic or branded, paano gamitin, kailan uumpisahan at gaano katagal iinumin.

4. Mga dapat iwasang pagkain o gawain habang iniinom ang gamot.

5. May side effects ba ito. Kung meron, ano ang dapat gawin.

7. Ilang oras ito bago umepekto.

8. Paano malalaman kung umuubra.

Kahit hindi tinatanong, huwag mahiyang sabihin sa doktor kung may ibang gamot o vitamins kayong iniinom. Pagdating naman sa botika, huwag mahiyang magtanong sa pharmacist. Maaari nila kayong gabayan sakaling may nakalimutan kayong itanong sa doktor.

Ang pag-inom ng gamot ang isa sa mahahalagang aspeto ng gamutan. Ang tagumpay ng paggaling ng isang pasyente ay nakasalalay sa pagtutulungan at suporta ng inyong doktor, kapamilya at ng pasyente mismo.

Nai-post sa Educational Show, Medical Talk Show, Public Service | Mag-iwan ng puna

Acne

Writer: Pier Benedict Pastor

Researcher: Raquel Tagle

Editorial Consultant: Marielle Gaceta-Catbagan

Taghiyawat o acne sa ilong, noo, buong mukha at maging sa ibang bahagi ng katawan. Problema ito ng maraming teenagers, lalo’t mga nagbibinata at nagdadalaga sila na kasagsagan ng mga pagbabago sa kanilang katawan.

Pero pwede ring magka-acne maging ang mga nasa 20s o mas matanda pa. Tumatagal ng tatlo hanggang labindalawang taon ang pagkakaroon ng acne. Gumagaling man paisa-isa, sinusundan din ng pagtubo ng bagong acne.

Ang acne ay maaring hormonal o bacterial. Ang hormones na androgen at testosterone ay nagiging sanhi ng pagpo-produce ng mas maraming sebum na bumabara sa skin pores. Lumalaganap naman ang bacteria at nagiging sanhi ng pagtubo at pagdami ng acne sa mga baradong skin pores at follicles lalo kapag hindi maayos ang pag-aalaga sa balat. Sa mga may acne, problema na ang pag-alis nito. Mas problema pa ang pagtanggal sa mga markang maiiwan nito, o yung tinatawag na acne scars.

Sa mga aesthetic at dermatologic clinics ngayon. Kabilang ang acne treatment sa kanilang mga serbisyo. Bukod sa paglilinis sa balat at paglalagay ng gamot. Nariyan na rin ang mga makabagong laser treatments na nakapipigil sa muling pagtubo ng mga taghiyawat at acne. Makapagsasara sa mga oil glands at makapag-aalis ng mga marka o acne scars.

Nai-post sa Educational Show, Medical Talk Show, Public Service | Mag-iwan ng puna

Anim na Taon na Kami!

Nai-post sa Uncategorized | Mag-iwan ng puna

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Nai-post sa Uncategorized | 1 Puna